Trader nagbaril sa sarili

Manila, Philippines -  Nasawi ang isang negos­yante makaraang magbaril sa sarili sa hindi pa mabatid na dahilan, kahapon ng mada­ling-araw sa Marikina City.

Naisugod pa sa Marikina Valley Medical Center ang biktimang si Conrado Danilo Arevalo, 58, contractor ng sapatos, ng Pine St., Brgy. San Roque, ng naturang lungsod, ngunit nalagutan din ng hininga dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-4 ng madaling-araw nang rumesponde ang mga tauhan ng Marikina Rescue Unit sa bahay ng biktima ma­karaang makatanggap ng tawag sa mga kapamilya ni Arevalo na nanga­ngailangan ng tulong medikal.

Inabutan ng mga rumes­ponde ang duguang biktima na nakahandusay sa maliit na bodega ng sapatos malapit sa kanilang bahay. Unang inakala na inatake lamang sa puso at nabagok ang ulo ng biktima ngunit sa pagsusuri ay nagtamo ito ng tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kaliwang sentido.

Patuloy naman ang ma­susing imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo ng posibleng pagpa­pakamatay o kung may naganap na “foul play” sa in­sidente.

Show comments