^

Metro

Kargador dedo sa resbak

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Posibleng may atraso ang isang kargador ng gulay sa palengke na tinarakan sa dibdib na ikinasawi nito sa Divisoria market sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na “ Anton”, nasa 30-35 ang edad. Inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng suspect na mabilis na naglaho matapos ang pananaksak.

Dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa nang maganap ang krimen sa loob ng isang makeshift carinderia sa parking lot ng Carmen Planas malapit sa panulukan ng Padre Herrera Sts., sa Divisoria sakop ng Tondo.

Nabatid na sinundan umano ng suspect ang biktima sa loob ng karinderya at doon ito inundayan ng saksak sa dibdib bago naglakad lamang papalayo sa lugar.

ANTON

CARMEN PLANAS

DAKONG

DIVISORIA

INAALAM

KINILALA

MAYNILA

NABATID

PADRE HERRERA STS

POSIBLENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with