Mag-asawa tiklo sa pagkadena sa 12-anyos nilang anak

Manila, Philippines -  Kapwa kulong ang mag-asawa matapos igapos ng kadena ang anak nilang babae sa Caloocan City kahapon.

Nakilala ang mag-asawa na sina Reynaldo Delbo, 42; at Maritess, 40, kapwa ng D. Aquino St., ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, dakong alas-6:00 ng umaga nang punta­han nila kasama ang empleyada ng Caloocan City Social Welfare and Development ang bahay ng mag-asawa matapos makatanggap ng impormasyon na ikinadena ng mga ito ang 12-anyos nilang anak na babae.

Sa utos ng mga pulis ay pinakawalan ni Reynaldo ang anak bago dinala sa presinto ang mag-asawa kung saan inaalam na kung ano ang dahilan para maltratuhin nang ganoon ang ka­nilang anak.

Nahaharap ang mag-asawa sa kasong child abuse.

Show comments