^

Metro

Karpintero binoga ng tandem na holdaper

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nasa kritikal na kon­disyon ang isang karpintero matapos barilin ng isa sa dalawang holdaper na nangholdap sa hardware na binibilhan naman ng una sa Caloocan City kamakalawa.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang tenga­ si Mateo Sandel, 45, ng Don Benito St., ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na report, dakong alas-3:45 ng hapon habang bumibili ng mga materyales ang biktima sa Bebot Hardware sa C-3 Road ng nabanggit na lungsod nang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Tinutukan ng baril ng mga suspek ang may-ari na si Laurence Yu bago kinuha ang cellphone at P15,000 ng huli.

Pinadadapa ng mga suspek si Sandel su­balit nang tumanggi ay agad na pinutukan ng isa sa mga suspek bago nagsitakas sakay ng motor­siklo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

BEBOT HARDWARE

CALOOCAN CITY

DON BENITO ST.

INOOBSERBAHAN

LAURENCE YU

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MATEO SANDEL

PATULOY

PINADADAPA

SANDEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with