^

Metro

Caloocan City Hall official, todas sa ambush

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Patay ang officer-in-charge ng Environmental Sanitation Services ng Caloocan City Hall North habang sugatan ang asawa nito nang pagbabarilin ng dalawa sa tatlong hindi pa kilalang mga suspek kahapon ng umaga sa nabanggit na siyudad.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng mga bala sa katawan ang biktimang si Bobby Merrera, habang ginagamot naman sa hindi binanggit na ospital sanhi ng tama ng bala sa tiyan ang asawang si Dra. Beng Merrera.

Dahil dito ay magbibigay ng P200,000 pabuya si Caloocan City Mayor Enrico Echiverri sa makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa inisyal na report ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga habang minamaneho ng biktima ang Isuzu Crosswind sakay ang asawa at pagsapit sa Narra St., Rainbow Village 5, Bagumbong ng nabanggit na lungsod ay pinaulanan ng mga bala ng baril ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay sumakay ang dalawang suspek sa motorsiklong hindi na nakuha ang plaka na dala ng isa pang suspek at mabilis na nagsitakas ang mga ito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing pananambang.

BENG MERRERA

BOBBY MERRERA

CALOOCAN CITY HALL NORTH

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO ECHIVERRI

CALOOCAN CITY POLICE

ENVIRONMENTAL SANITATION SERVICES

ISUZU CROSSWIND

NARRA ST.

RAINBOW VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with