^

Metro

12 habambuhay hatol sa lider ng kulto

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hinatulan ng dalawang huwes sa Marikina City Regional Trial Court ng 12-habambuhay na pagkakulong ang lider ng isang kulto makaraang mapatunayan sa kasong panggagahasa sa 15 nitong babaeng kasapi kabilang ang ilang menor-de-edad.

Sa inilabas na hatol nina Judge Marie Lyn Andal ng Marikina Metropolitan Trial Court Branch 92 at Judge Lorna Catriz-Cheng Chua ng Marikina Regional Trial Court Branch 168, napatunayan na nagkasala ang akusadong si Antonio­ Dumala Faelnar, founder ng Global Empire Co­venant of the Divine Government sa panggagahasa sa kanyang mga miyembrong babae.

Nabatid sa rekord ng korte na bukod sa panggagahasa, dumanas din ng matinding pagpapahirap ang mga menor-de-edad na miyembro, tulad ng pagsasailalim sa ilang ritwal kung saan pinapalo ng kahoy sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang pinupuwersa naman ang iba na mag-alay ng baboy para maging sakripisyo sa kanilang mga ritwal.

Ilan umano sa mga miyembro ng kulto ay nanggaling pa sa malalayong probinsya sa Min­danao kapalit ng pangako ng trabaho at magandang buhay. 

Una nang nahatulan ng 40-taong pagkakulong si Faelnar­ dahil sa kasong “serious­ illegal detention” nang masagip ang mga kabataang miyembro nito na ikinulong sa loob ng punong tanggapan ng kanilang kulto sa Marikina Heights.

Patuloy na iginigiit naman ni Faelnar ang pagiging inosente.

DIVINE GOVERNMENT

DUMALA FAELNAR

FAELNAR

GLOBAL EMPIRE CO

JUDGE LORNA CATRIZ-CHENG CHUA

JUDGE MARIE LYN ANDAL

MARIKINA CITY REGIONAL TRIAL COURT

MARIKINA HEIGHTS

MARIKINA METROPOLITAN TRIAL COURT BRANCH

MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with