^

Metro

Hotel consultant kinatay

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang hotel consultant nang matagpuan ang bangkay nito sa kanyang tinitirahan kamakalawa ng umaga sa Sta. Ana, Maynila.

Masangsang na ang amoy at tinatayang may tatlo hanggang apat na araw nang patay si Hilario Ojascastro, alyas Barry, Basil at Larry, consultant ng Dusit Hotel, at pansamantalang nanunuluyan sa #2376 Tejeron St., Sta. Ana, Maynila.

Sa report ng MPD-Homicide Section, dakong alas-9:20 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng kanyang inuupahang bahay.

Ayon kay Jennifer Revilla Matoza, kasera ng biktima, naka­amoy siya ng masangsang na nanggagaling sa kuwarto ng biktima kaya ipinagbigay-alam nito sa DILG Hotline 117 at nang buksan ang kuwarto ay tumambad nga sa kanila ang biktima na nakadapa sa pintuan ng kanyang comfort room na duguan at may tama ng saksak sa dibdib at kamay na indikasyon na nanlaban. Nagkalat din ang mga gamit at damit sa sala at may natu­tuyo nang dugo sa sahig.

Ayon kay Matoza, huli nitong nakitang buhay ang biktima noong Hunyo 21 nang pumasok ito sa kanyang trabaho.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyo ang pulisya upang matukoy ang salarin.

vuukle comment

AYON

DUSIT HOTEL

HILARIO OJASCASTRO

HOMICIDE SECTION

HUNYO

JENNIFER REVILLA MATOZA

MASANGSANG

MATOZA

MAYNILA

TEJERON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with