Ice plant na nagbuga ng ammonia, lumabag - BFP
MANILA, Philippines - Isa umanong paglabag ang ginawa ng pangasiwaan ng ice plant nang pahintulutan nitong kumpunihin ang main valve nito noong Sabado, nang hindi inililipat ang ammonia na nakalagay dito at nagresulta sa pagkakaroon ng tagas na naka-apekto sa may daang residente sa Quezon City, ayon sa hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) kahapon.
Ayon kay Senior Superintendent Bobby Baruelo, BFP firemarshal, ang Genuino Ice Plant sa Barangay Sta. Cruz sa lungsod ay kasalukuyang nakasarado habang nagsasagawa ng magkasabay na imbestigasyon ukol dito.
Gayunman, giit ng opisyal, tukoy na nila ang sanhi ng pagtagas at nanggaling umano ito sa tinatawag na “king valve” na nakakonekta sa tangke na naunang may lamang 390 kilos ng ammonia.
Dahil sa tagas, dahan-dahang niluwagan ng mga manggagawa ang roskas para ayusin. Ito ang sanhi para ang usok ng ammonia ay lumabas.
Maalalang, isang babae ang nagkasakit habang may 256 na residente ang inilikas sa kanilang tahanan bunga ng pagtagas ng nakakasulasok na amoy ng naturang kemikal.
- Latest
- Trending