^

Metro

Pulis na nawawala, iniligpit ng sindikato ng droga?

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nawawala at hinihina­lang ipinapatay ang isang pulis-Maynila nang magtungo sa Isla Puting Bato noong nakalipas na Sa­bado, batay sa reklamong idinulog ng kaniyang maybahay sa Manila Police District-General Assignment Section.

Kahapon ay personal na dumulog sa MPD-GAS si Ade­laida Albano-Panlilio, 57, ng F. Varona St., Tondo at upang mahanap ang nawawalang si SP02 Teofilo Panlilio, 54, nakatalaga sa MPD-District Headquarters Security Unit (MPD- DHSU).

Sa salaysay ni Gng. Pan­lilio, nagpaalam ang mister niya na may operas­yon la­ban sa iligal na droga sa Isla Puting Bato, sa Tondo at hanggang sa kasalu­kuyan ay hindi pa nakikita.

Naalarma lamang umano ang ginang nang may tumawag sa kaniya hinggil sa impormasyong ang mister niya at kasamang babae ay pinagtulungang saksakin at itinali sa malaking bato at iti­napon sa laot.

Nagsagawa naman ng be­­ripikasyon ang tanggapang MPD-Homicide Section kung may katotohanan ang nasabing reklamo ma­ta­pos makatanggap din umano ng tawag na pinatay nga si Panlilio sa pama­magitan ng pagbaril sa ulo at ang babaeng kasama nito, isinakay sa bangka at di­nala sa laot at doon iti­napon ang mga bangkay.

Binanggit umano ng caller­ na nakilala ang pulis dahil nakasuot pa ito ng uniporme na may name plate nang isagawa ang pagpatay.

“Hangga’t wala pa ka­ming nakukuhang bangkay ni Panlilio, di namin masasabing totoo na sinalvage siya,” ani senior Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section.

vuukle comment

ALBANO-PANLILIO

BINANGGIT

DISTRICT HEADQUARTERS SECURITY UNIT

GNG

HOMICIDE SECTION

ISLA PUTING BATO

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

PANLILIO

SHY

VARONA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with