^

Metro

Pulis-Caloocan dedo sa sariling boga

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang kagawad ng Northern Police District (NPD) nang aksidente umanong pumutok ang sariling baril habang inilalagay sa ilalim ng unan sa loob ng kanilang taha­nan sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Butas ang bungo ng  biktimang si PO2 Elden Pe­ralta, ng Caloocan Police-Sub Station 4 at residente ng no. 168 Area-C Gate 54, Parola Compound Tondo sanhi ng tama ng bala ng kanyang service firearm na .9mm ca­­liber Beretta sa kaliwang sentido.

Sa ulat ni  SPO3 Rodel Be­ nitez ng Manila Police District-Homicide Section, pa­patulog na ang biktima da­kong alas-1:40 ng mada­ling araw nang makarinig ng putok ng baril ang kaniyang lola na si Epifania Peralta, at nakitang duguang walang buhay ang apo sa sofa.

Nabatid na may 10 mi­nuto pa lamang na duma­ting ang biktima at dumiretso umano ito sa ikalawang pa­lapag ng bahay upang magpalit ng damit at nang bumaba ay dumaan sa kuwarto ng kapatid na si Donna upang alamin ang kakailanganin sa mga ipamimiling paninda sa kanilang tindahan, bago nagpasiyang humiga na sa sofa.

Nasa itaas umano ng bahay ang lola nang marinig ang putok kaya agad na bu­­ maba at nakita ang tumutulong dugo sa sentido ng biktima kaya humingi ng saklolo sa mga kapitbahay na nag­sugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) subalit idineklarang patay.

vuukle comment

AREA-C GATE

CALOOCAN POLICE-SUB STATION

ELDEN PE

EPIFANIA PERALTA

GAT ANDRES BONIFACIO MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NORTHERN PO

PAROLA COMPOUND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with