^

Metro

2 katao nagsuicide

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner at pagbigti matapos na sermunan ng kanilang tiyahin at ama sa magka­hiwalay na insidente sa May­­nila at Quezon City.

Tinapos ni Necalyn Capili, 18, ng no. 2368 Pasig Line Sta. Ana, Maynila ang kanyang buhay sa pamama­gi­tan ng pag-inom ng silver cleaner matapos na sermunan ng kanyang tiyahin dakong alas-2:40 ng madaling-araw.

Ayon kay SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section inakala ni Evelyn, ina ng biktima na lasing lamang ang anak, at nang sumubsob ay nilapitan ito at nadiskubreng wala ng buhay, at sa kamay nito ay hawak pa ang bote na lalagyan umano ng kemikal na silver cleaner.

Nauna rito, nagising umano ang tiyahin ng biktima at nang makita ang biktima sa labas ng bahay sa umpukan ng mga kaibigan ay pinauwi ito at sinermunan.

Samantala, bangkay na din nang matagpuan si Ro­nald Allan Rangel, 30, factory worker matapos mag­ bigti gamit ang nylon cord na isinabit sa iron bar ng ka­nilang gate sa no. 16 Commissioner  St., Menray, Gulod, Novaliches, ganap na alas-12:10 ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Loreto Tigno, may-hawak ng kasohuling nakitang buhay ang biktima ng kanyang amang si Nadito nang umuwi itong lasing sa kanilang bahay sa dis-oras ng gabi. Dahil dito, pinangaralan niya ang anak na naging ugat para sila magtalo.

Dagdag pa ni Nadito, ang kanyang anak ay lasenggero at tumitikim din ng droga kung kaya madalas silang nagtatalo nito. (Ludy Bermudo at Ricky T. Tulipat)

ALLAN RANGEL

CHARLES JOHN DURAN

LORETO TIG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NADITO

NECALYN CAPILI

PASIG LINE STA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with