^

Metro

Mega City ipinanukala

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Naniniwala si Metropoli­tan Manila Development Autho­rity (MMDA) Chairman Francis Tolentino na ka­ila­­­ngan nang lumikha ng bagong “Mega City” ang pa­­­mahalaan na magiging ba­gong sentro ng pamahalaan at kultura ng bansa.

Ibinase ito ni Tolentino sa mga problemang kinakaharap sa pag-debelop at pag­sasaayos sa Metro Manila na kasalukuyang sentro ng Pilipinas sa gobyerno at eko­ nomiya.

Kabilang sa mga hindi na makayanan ng Metro Manila ang labis na populasyon na nagresulta ng napakara­ming “squatter’s area”, napaka­raming sasakyan na dulot ang buhol-buhol na trapiko at napakaraming basura na dulot naman ang pagbabaha.

Sinabi ni Tolentino na ang bagong “Mega City” na kanyang nais ay dapat iayon sa masusing pagpaplano para sa kinabukasan na may tatak Pilipino. Ang bagong ka­pital umano ay dapat ring may pinakabagong teknolohiya sa impormasyon, trans­portasyon at komunikasyon at mangunguna sa pagtitipid ng enerhiya kung saan ipo-promote ang uri ng transpor­tasyon tulad ng mga alternatibong sasakyan at pagbibisikleta.

Binanggit ni Tolentino na ilan sa mga posibilidad na lugar na pagtayuan ng bagong Metro City ang ba­yan ng Tanay sa lalawigan ng Rizal na may 200 square kilometers at may taas na 100-900 meters elevation para maiwasan ang pagbabaha at nasa isa hanggang dalawang oras lamang ang biyahe mula sa Metro Manila.

Ilan pang posibleng lugar na maaaring itayo ang ba­gong kapital ng Pilipinas ang San Rafael, San Ildefonso at Doña Remedios Trinidad na pawang nasa lalawigan ng Bulacan.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

MANILA DEVELOPMENT AUTHO

MEGA CITY

METRO CITY

METRO MANILA

PILIPINAS

REMEDIOS TRINIDAD

SHY

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with