^

Metro

Ex-president ng banko na sabit sa estafa, tiklo

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Kalaboso ang presidente ng nagsaradong banko matapos arestuhin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa kasong estafa na isinampa ng Banko Sentral ng Pili­pinas sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Patricio Notada, presidente ng Homeowners Savings and Loan Bank na da­ting Homeowners Savings and Loan Association, Inc. (HOSLAI).

Si Notada ay naha­harap sa tatlong counts ng estafa na isinampa ng BSP kaugnay sa fictitious loan accounts ng mga indibidwal na sina Nancy Mainicsic, Erlinda Tablang at si Bayani Batac.

Bukod pa rito, may ka­pareho ring kaso ang iniharap laban kay Notada na 2 counts of estafa at 2 counts ng paglabag sa Section 21 ng Republic Act 7906 (Thrift Banks Act of 1995) dahil naman sa overvaluing ng mga kolateral ng loan accounts ng isang Arturo Castillo at Minardo Salvosa kung saan rediscounting ng  mga nasa­bing loan ng hindi alam ng BSP at naagrabyado rin ang BSP.

Umabot sa P17,440 mil­yon ang nai-release ng BSP para sa HOSLAI, kapalit naman ng promissory note ng HOSLAI sa BSP at Deed of Assignment, kolateral na land titles mula sa borrowers­ kaya  ito nakasuhan.

Nabatid na noong Marso nang dumulog ang BSP  sa NBI-Task Force on Bank Fraud Investigation dahil hindi madakip si Notada sa kabila ng pitong warrant of arrest na inisyu ng korte.

Upang malambat, ipina­tawag ng korte ang akusado, dumalo ito sa hearing kung saan nadakma naman ng NBI.

ARTURO CASTILLO

BANK FRAUD INVESTIGATION

BANKO SENTRAL

BAYANI BATAC

DEED OF ASSIGNMENT

ERLINDA TABLANG

HOMEOWNERS SAVINGS AND LOAN ASSOCIATION

HOMEOWNERS SAVINGS AND LOAN BANK

MINARDO SALVOSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with