^

Metro

Akyat-bahay sinalvage

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Pinaniniwalaang bik­tima ng summary execution ang isang miyembro ng Akyat-Bahay Gang na natagpuan sa bisinidad ng Daffodil St. sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City kahapon ng umaga.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktimang nasa 25-anyos at nakasuot lamang ng itim na t-shirt at short pants.

Sa ulat ni P/Supt. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QC PNP, pasado alas-5 ng umaga nang ma­diskubre ng bangkay ng isang lalaki.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang biktima ay pinatay sa sakal kung saan narekober sa kanyang bag ang screwdriver, electrical cord at  karatula na nakasaad ang panawagan sa kapwa niya akyat-bahay na magbago na dahil hindi pa huli ang lahat.

AKYAT-BAHAY GANG

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DAFFODIL ST.

GREATER LAGRO

INAALAM

PINANINIWALAANG

QUEZON CITY

RODEL MARCELO

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with