^

Metro

Abalos pinayagang makalabas sa kulungan

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Pinayagan ng korte na pansaman­talang makalabas mula sa kulungan nito sa Southern Police District si dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos.

Ayon kay Felda Domingo, tagapagsalita ng Pasay City Regional Trial Court Branch 112, bago mag-adjourn noong Biyernes ang pagdinig sa isinumiteng motion ni Abalos na makapagpiyansa ay inaprubahan ang kahilingan nito na makalabas ng kulungan.

Ngayong araw ng Linggo ay pinayagan si Abalos ni Judge Jesus Mupas na makadalo sa birthday ng kanyang apo sa loob ng dalawang oras at mabisita ang bahay nitong nasalanta ng bagyong Ondoy.

Hindi naman tinutulan ng Comelec ang kahilingan  ni Abalos at ang naging desisyon ng korte.

Lalabas ng kulungan si Abalos bago magtanghali at dalawang oras lamang­ mananatili sa kanyang bahay at agad itong ibabalik sa detention cell.

Samantala, pinalawig pa ng korte ang pagdinig kaugnay sa motion ng mga abogado ni Abalos na makapagpiyansa ito.

Muling itinakda ni Judge Mupas ang petsa sa pagdinig sa Hulyo 4 at 9.

ABALOS

AYON

BIYERNES

COMELEC

ELECTIONS CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

FELDA DOMINGO

JUDGE JESUS MUPAS

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with