MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok sa naganap na sunog sa pagawaan ng muebles at printing press sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa pagawaan ng muebles sa Brgy. Duyan-Duyan, Project 3 sa lungsod ganap na alas-12 ng hatinggabi.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga kahoy hanggang sa madamay ang katabing printing press nito.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog.HIndi pa matukoy kung ano ang pinagmulan ng sunog.