Barangay sa QC, maaari nang magsuspinde ng klase - Joy B

MANILA, Philippines - Maaari na ngayong magkansela ng klase ang bawat barangay sa Quezon City sa panahon na may bagyo, pagbaha at iba pang weather disturbances.

Ito ay makaraang magpalabas ng isang memorandum si Quezon City Acting Mayor Joy Belmonte na nagbibigay awtorisasyon ang lokal na pamahalaan sa mga barangay officials kapag nakakaranas na ng pagbaha at iba pang high risk situation sa ibat- ibang lugar sa lungsod kahit na walang storm signals ang bagyo tulad ng nagdaang si Butchoy.

Sa ilalim ng Presidential Executive Order­ No. 66, ang punong ba­­rangay, bilang chairman ng Barangay Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (BDRMC), sa pakikipag ugnayan sa mga opisyal ng paaralan ay awtori­sadong magsuspinde ng klase ng hindi lalampas ng alas-4 ng mada­ling-araw para sa morning­ class at hindi lalampas ng alas-10:30 ng uma­ga para sa afternoon classes­.  

Show comments