Barangay sa QC, maaari nang magsuspinde ng klase - Joy B
MANILA, Philippines - Maaari na ngayong magkansela ng klase ang bawat barangay sa Quezon City sa panahon na may bagyo, pagbaha at iba pang weather disturbances.
Ito ay makaraang magpalabas ng isang memorandum si Quezon City Acting Mayor Joy Belmonte na nagbibigay awtorisasyon ang lokal na pamahalaan sa mga barangay officials kapag nakakaranas na ng pagbaha at iba pang high risk situation sa ibat- ibang lugar sa lungsod kahit na walang storm signals ang bagyo tulad ng nagdaang si Butchoy.
Sa ilalim ng Presidential Executive Order No. 66, ang punong barangay, bilang chairman ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRMC), sa pakikipag ugnayan sa mga opisyal ng paaralan ay awtorisadong magsuspinde ng klase ng hindi lalampas ng alas-4 ng madaling-araw para sa morning class at hindi lalampas ng alas-10:30 ng umaga para sa afternoon classes.
- Latest
- Trending