^

Metro

Armored van holdap, 2 sekyu sugatan

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Malubhang nasu­gatan ang dalawang security guard ng isang armored van makaraang holdapin at pagbabarilin ng mga holdaper sa loob ng isang shopping mall sa Pasig City kahapon ng tanghali.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na paga­mutan ang mga sugatang security guard na naunahang paputukan ng higit sa tatlong arma­dong holdaper sa isang kilalang mall na nasa Marcos Highway, Brgy. Dela Paz, ng na­turang lungsod.

Sa inisyal na ulat, maglilipat ng pera buhat sa isang money changer sa loob ng naturang mall ang mga security guard nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril dakong alas-11 ng tanghali.

Nabaril ang mga security guard na sina Edwin Nartea at Lotildes Domingo na kahit mga sugatan ay nakipagpa­litan pa rin ng putok sa mga suspect. Tu­ma­gal umano ang palitan ng putok ng baril­ ng halos 10 minuto kung saan binalot ng sindak ang mga kostumer at namamasyal sa naturang mall.

Nagmamadali namang tumakas ang mga holdaper lulan ng isang puting kotse na Hyundai (PWN-834) na inabandona ng mga salarin sa kahabaan ng Marcos Highway na sakop ng Marikina City at sumakay sa naghihintay na gray na Mitsubishi Adventure tungo sa hindi mabatid na direksyon.

Tinatayang nasa P550,000 halaga ng salapi na nakalagay sa isang duffel bag ang natangay ng mga holdaper.

Sinabi ni Eastern Police District Director, Chief Supt. Miguel Laurel na nakunan ng “closed circuit television (CCTV) camera” ang pangyayari ngunit masyadong malabo ang resolusyon ng video footage para makilala ang mga holdaper.

CHIEF SUPT

DELA PAZ

EASTERN POLICE DISTRICT DIRECTOR

EDWIN NARTEA

LOTILDES DOMINGO

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

MIGUEL LAUREL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with