^

Metro

Hog dealer kinatay ng matansero

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mistulang baboy na kinatay ang isang lolong hog dealer nang nakatalo nitong matansero sa labas ng isang slaughter house sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Ciriaco Herrera, 61, ng Kabulusan ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang   suspek na si Ranulfo Ca­pintog­, 42, ng Lapu-Lapu Avenue ng nabanggit na lungsod.

Naganap ang insidente dakong alas-12:55 ng madaling araw sa isang slaughter house na matatagpuan sa Lapu-Lapu Avenue ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na nagtatalo ang biktima at ang suspek, dito ay lumabas si Capintog upang umiwas subalit sinundan ito ni Herrera. Dahil dito ay nagalit ang suspek at sabay na hugot ng patalim at mistulang parang baboy na kinatay ang biktima.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CAPINTOG

CIRIACO HERRERA

DAHIL

HERRERA

KABULUSAN

LAPU-LAPU AVENUE

PAGAMUTAN LUNGSOD

RANULFO CA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with