^

Metro

Barilan sa Baseco, pinanindigang shootout

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Nanindigan ang Manila City Hall Public Assistance (CHAPA) na shootout at hindi rubout ang nangyari kama­kalawa sa Baseco Compound na ikinasawi ng apat na holdaper sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Sr. Insp. Rolando Lorenzo, Jr., hepe ng CHAPA, katanghalian tapat nangyari ang barilan kung saan maraming residente ang nakakita nang maunang nagpaputok ang isa sa apat na suspect na napatay.

Sinabi ni Lorenzo na handa naman silang sumailalim sa anumang imbestigasyon kung kinakailangan.

Giit nito, nakababahala umano ang report na pagsapit ng dilim ay wala nang taong maaaring maglakad o gumala sa lugar dahil sa takot na mapatay ng grupo ng mga nasawing suspect. Sina­sabing bigla na lamang umanong binabaril ng mga suspect sa ulo ang mga taong makikitang naglalakad o nakatambay sa lugar.

Lumilitaw sa imbestigasyon na naglalakad ng mga may sukbit na baril sa baywang ang mga suspect na nagdudulot ng takot sa mga residente dito.

Matatandaang dead-on-the-spot sina William Olivari, 38; Henry Ursual, 27, at dalawang hindi pa nakikilala nang makipagbarilan dakong alas-11 ng tanghali sa Aplaya, Baseco Compound.

Binigyan-diin ni Lorenzo na hindi niya inakala na magkakaroon ng shootout dahil nais lamang nilang respondehan ang reklamo ng ilang residente hinggil sa patuloy na snatching, holdup at salvaging sa lugar. Nakuhanan ang mga nasawi ng isang 380 pistol, isang caliber .38, dalawang magnum .38 at isang granada.

vuukle comment

APLAYA

BASECO COMPOUND

HENRY URSUAL

LORENZO

MANILA CITY HALL PUBLIC ASSISTANCE

ROLANDO LORENZO

SR. INSP

WILLIAM OLIVARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with