^

Metro

Leeg ni misis, nilaslas ni mister

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit ng isang ginang makaraang tagain at laslasin ang leeg ng sarili nitong mister na hinihinalang nasa impluwensya ng droga makaraang mapikon sa kanilang pagtatalo, kama­kalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Emily Berganos, 43, matapos na halos humiwalay ang ulo sa katawan. Kritikal naman sa naturang pagamutan ang suspek na si Alfert Berganos, 43, makaraang tarakan din ng itak ang sarili.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation Unit ng Muntinlupa police, palagi umanong nagkakaroon ng pag-aaway ang mag-asawa mula nang malulong sa ilegal na droga ang lalaki. Sa kabila ng matagal na panahon nilang pagsasama at pagkakaroon pa ng pitong anak, nagagawa pa umanong magselos ng lalaki at palagi pang sinasaktan ang kanyang misis at mga anak.

Dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang magkaroon muli ng pagtatalo ang mag-asawa habang lango umano sa iligal na droga ang lalaki na nakakuha ng itak at nilaslas ang leeg ng asawa saka pinagtataga. Nang ina­kala ng suspek na patay na ang asawa, siya naman ang nagsaksak sa sarili.

Binabantayan naman ngayon ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa naturang pagamutan na sinampahan na ng kasong parricide sa piskalya.

vuukle comment

ALFERT BERGANOS

BINABANTAYAN

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DAKONG

EMILY BERGANOS

KALUNUS

KRITIKAL

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with