^

Metro

Pasay at Maynila may pinakamaraming basura

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinukoy ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga lungsod ng Maynila at Pasay na siyang may pinakamara­ming basurang nahakot sa kanilang pumping stations.

Sinabi ni MMDA Flood Control Division Director Engr. Baltazar Melgar na pinakamaraming nahakot na mga basura sa dalawang lungsod lalo na sa mga lugar na may mara­ming nakatirang iskuwater.

“Kung saan may pinakamaraming informal settlers, doon ang may pinakamaraming basura,” ayon kay Melgar.

Kasalukuyang may 51 pumping stations ang MMDA sa mga bahaing lugar sa Metro Manila habang may panukala na maglagay ng isa pa sa may Brgy. Salapan sa Balong Bato, San Juan City habang ibang proyekto pa na popondohan ng mga dayuhan ang nakatakdang ilunsad sa Valenzuela City at sa katabing bayan ng Obando, Bulacan.

BALONG BATO

BALTAZAR MELGAR

BRGY

BULACAN

FLOOD CONTROL DIVISION DIRECTOR ENGR

KASALUKUYANG

MAYNILA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SAN JUAN CITY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with