^

Metro

Rollback uli sa petrolyo, ipinatupad

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinangunahan ng kompanyang Petron Corporation ang panibagong rollback sa mga produktong petrolyo na resulta umano ng patuloy na pagbaba sa presyo nito sa internasyunal na merkado.

Sa anunsyo ng Petron, nasa P1.20 kada litro ng Blaze, XCS premium at unleaded gasoline ang kanilang tatapyasin at P1.10 naman kada litro sa presyo ng regular na gasolina.

Mas maliit na P.50 sentimos naman kada litro ang ibabawas sa kada litro ng diesel at P.35 sentimos sa kada litro ng kerosene na epektibo dakong alas-12:01 ng hatinggabi.

Inaasahan naman na su­sunod sa naturang rollback ang iba pang kompanya ng langis na habang isinusulat ito ay wala pang opisyal na anunsyo.

Matatandaan na nitong naka­raang linggo ay una nang nag-anunsyo ang Department of Energy (DOE) sa panibagong rollback dahil sa namonitor nilang pagbaba sa presyo ng langis sa internasyunal na merkado dahil sa pagbaba ng pangangailangan ng mga bansa sa kanluran.  

ANUNSYO

DEPARTMENT OF ENERGY

INAASAHAN

KADA

LITRO

MATATANDAAN

NAMAN

PETRON

PETRON CORPORATION

PINANGUNAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with