^

Metro

Lady trader kinatay ng houseboy

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng ginang ang nasawi makaraang tadtarin ng saksak ng kanyang houseboy na nagnakaw sa kanyang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng 14 na saksak sa katawan ang biktimang si Carlota Amio, 34, ng Block 56 Lot 13 Regalado Avenue corner Commonwealth Ave­nue, Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

Ayon kay Inspector Elmer Monsalve, hepe ng homicide investigation section ng Quezon City Police District (QCPD), nagsasagawa na sila ng pagtugis sa suspect na kinilala lamang sa alyas na Bingot na katulong ng biktima na halos isang buwan pa lamang.

Sinabi ni Monsalve, ang biktima ay natagpuang bangkay at naliligo sa sarili nitong dugo habang nakahandusay sa loob ng kanyang kuwarto sa ikalawang palapag ng kanyang bahay.

Maliban sa mga pasa, nagtamo rin si Amio ng 14 na saksak sa mukha, likod, at harapan, maging sa braso.

Maaari rin anyang nanlaban ang biktima dahil ang ilang mga kuko nito ay may bakas ng balat na posibleng kalmot, at walis na nasira ang hawakan na ginamit nitong panghampas sa suspect. Bukod dito, may sinasabing defense wounds din ang biktima sa braso dahil sa pagtatangka nitong salagin ang pag-atake ng suspect.

Natagpuan din ng awtoridad sa kuwarto ang isang kitchen knife na ginamit laban sa biktima.

Sabi pa ng opisyal, hindi na rin nila nakita ang cell phones, laptops, at pera sa loob ng kuwarto ng biktima at maaaring tinangay na ng suspect.

Si Amio ay hiwalay na sa asawa, may dalawang kuwarto sa kanyang apartment na nasa ikalawang palapag kabilang ang isa na ginagamit niya at ng kanyang tatlong anak, habang ang isa ay sa tatlo niyang houseboys, na kinabibilangan ng suspect at dalawa pa na nakilala sa alyas na Allan at Junior. Ang lahat na katulong ng biktima ay halos isang buwan pa lamang naglilingkod sa kanyang negosyong buko.

Sinabi pa ni Monsalve, natagpuan din niya sa cabinet sa quarters ng houseboys ang isang kulay pulang t-shirt at kulay brown checkered na short pants na nababalutan ng dugo. Ito marahil ang suot ng suspect nang araw na mangyari ang krimen.

Nabatid na nang oras na mangyari ang krimen, tanging si Amio at Bingot ang nasa loob ng apartment. Ang dalawang anak na babae ni Amio ay nasa kanilang kamag-anak sa Mindoro habang ang bunso namang anak na lalaki nito ay nasa dalawang houseboy na nasa kanilang coconut shop.

Bago natagpuan ang bangkay ng biktima, nakarinig umano ang mga kapitbahay na sina Susan Machado at Christine Hamito, mga kasambahay, ng komosyon sa loob ng apartment ni Amio pero binalewala lamang nila ito.

Ilang sandali, nakita nila ang suspect na lumabas ng bahay na may bitbit na malaking backpack at isa pang bag, saka pinapahiran ang kanyang pawis gamit ang damit sa sampayan.

AMIO

BIKTIMA

BINGOT

CARLOTA AMIO

CHRISTINE HAMITO

COMMONWEALTH AVE

GREATER FAIRVIEW

INSPECTOR ELMER MONSALVE

KANYANG

MONSALVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with