^

Metro

Brgy. chairman tinodas sa sabungan

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang ba­rangay chairman ma­ka­­raang pagbabarilin ng dalawang salarin na “riding-in-tandem” sa ha­rapan ng sabungan ng Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Meycauayan Doctors Hos­­pital si Lauro Evan­gelita, 54, kapitan ng Bgy. Libtong sa Meycau­ayan, Bulacan na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Northern Police District (NPD), nasa harap ng sabu­ngan sa Brgy. Malanday, Valenzuela ang biktima pasado alas-10 ng umaga nang big­lang sumulpot ang dala­wang salarin na magka-angkas sa motorsiklo.

Isa sa mga suspect ang bumaba at lumapit sa biktima at sunud-sunod na pinaputukan ito. Mabilis na­mang su­makay sa motor ang gunman at saka mabilis na tumakas patungo sa direks­yon ng Meycauayan.

Blang­ko naman ang mga otoridad sa motibo ng pamamas­lang kung saan nagsasaga­wa pa ng masusing im­bes­tigas­yon.

Samantala, alitan din sa manok ang ikinamatay ng isang cons­truction worker nang pagbabarilin ng kanyang kabaro sa lungsod Quezon kahapon.

Dead-on-the-spot naman si Salvador Sardo, 32, binata ng no. 3 Don Gregorio St., Don Antonio Subd., Brgy. Holy Spirit sa lungsod habang tugis naman ng awtoridad ang suspect na si Romeo Blanca, 46.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, nangyari ang insidente sa may loob ng kanilang tinutulu­yang compound, ga­nap na alas-7 ng gabi.

Sinabi ng testigong si Ernesto Bulao, nag-aasikaso siya ng hapunan sa harap ng ka­nilang barracks nang du­maan sa harapan niya ang suspect at ti­nawag ang biktima.

Ilang sandali, na­ka­­rinig na lang siya ng mga putok ng baril at nang tingnan niya ang lugar ay naabutan na lamang niyang dugu­ang nakabulagta sa la­pag ang biktima, ha­bang tumakas naman ang suspect.

Dagdag ni Bulao, ma­tagal nang may alitan ang biktima at suspect simula ng magtalo ang mga ito sa manok na panabong noon pang Hunyo 15.

Narekober sa lugar ang anim na basyo ng bala at dalawa pang bala ng 9mm na gina­mit ng suspect sa pag­patay sa biktima. (Ricky T. Tulipat)

vuukle comment

BRGY

DON ANTONIO SUBD

DON GREGORIO ST.

ERNESTO BULAO

HOLY SPIRIT

LAURO EVAN

MEYCAUAYAN DOCTORS HOS

NORTHERN POLICE DISTRICT

RICKY T

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with