^

Metro

Nasamsam na droga sa Parañaque, aabot sa P874-M ang halaga-PDEA

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umabot sa P874 milyon ang halaga ng drogang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang abandonadong gusali na ginawang laboratory ng shabu sa Parañaque City matapos ang ilang araw na ginawang pagpo-proseso nito simula ng salakayin nitong June 6, 2012.

Ayon kay Assistant Secretary Carlos F. Gadapan, OIC ng PDEA, ang mga narekober ay kinabibilangan ng 372 kilograms ng ephedrine; 100 litro ng liquid methamphetamine hydrochloride (shabu); 8,419 kilograms ng solid at 39, 884 litro ng liquid chemicals; kabilang ang mga kasangkapan at iba pang materiales na ginagamit sa paggawa ng shabu mula sa laboratory na matatagpuan sa Km. 19, East Service Road, San Martin De Porres, Parañaque City na nadis­kubre nitong June 6, 2012.

Nilinaw ni Gadapan na ang kumpletong pagpo-pro­seso ng nasabing laboratory lamang, tulad ng pagkilala at paglalagay ng tatak ng mga piraso ng ebidensya, pagkuha ng samples, pagsasagawa ng field tests, at pagkuha ng inventory ay tumatagal ng apat na araw.

Giit pa ni Gadapan, may posibilidad umanong ang abandonadong laboratory sa Parañaque City ay konektado sa tatlong laboratoryo na binuwag sa Ayala Alabang kamakailan.  

ASSISTANT SECRETARY CARLOS F

AYALA ALABANG

AYON

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EAST SERVICE ROAD

GADAPAN

GIIT

NILINAW

SAN MARTIN DE PORRES

UMABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with