^

Metro

Vendor utas, ka-live-in sugatan, sa naburyong na kapitbahay

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Utas ang isang vendor habang sugatan ang ka-live-in nito matapos pagsasaksakin ng naburyong nilang kapitbahay dahil sa sobrang kalasingan sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Jungi Bengero, 24, ng Sison Francisco Compound, Brgy. Karuhatan ng nabanggit na lungsod habang ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa nguso ang ka-live-in nito na si Jenelyn Tulang ng nasabing lugar.

Nasa custody na ng Valenzuela City Police ang suspek na si Eric Mentes, 33, na kapitbahay ng mga biktima.

Base sa ulat ng Valenzuela City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-11:00 ng gabi habang palabas ng bahay ang biktmang si Bengero upang bumili ng softdrinks na dito sinalubong ng suspect at walang sabi-sabi siyang pinagsasaksak.

Nang makita ni Jenelyn ang pangyayari ay agad itong lumapit upang saklolohan ang nasawi, subalit ang una naman ang inundayan ng saksak ng suspek.

Matapos ang insidente ay dinala sa nabanggit na ospital si Jenelyn habang sumuko sa mga barangay tanod ang nahi­masmasan na suspek kung saan nasabi ng huli na nawala siya sa sarili dahil sa sobrang kalasingan.

vuukle comment

BENGERO

BRGY

ERIC MENTES

JENELYN

JENELYN TULANG

JUNGI BENGERO

SISON FRANCISCO COMPOUND

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with