^

Metro

Mag-live-in na 'tulak', arestado sa buy-bust

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Timbog ang isang mag-live-in partner na umano’y tulak ng iligal na droga ma­tapos ang isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mag-live in na sina Rowell A. Barcena, 36, at Anne V. Torrrevillas, alias Eunice, 24, kapwa ng Taguig City.

Ayon kay Gutierrez, na­dakip ang dalawa ng mga operatiba ng PDEA Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) sa pamumuno ni Director Wilkins M. Villanueva matapos na makumpirma ang pagbebenta ng mga ito ng ilegal na droga, partikular ang shabu.

Agad na nakipagtransaksyon ang mga operatiba sa mga suspect at nagkasundo na magkita malapit sa bahay ni Barcena sa kahabaan ng Atis Street. Ganap na alas-9 ng umaga nang gawin ang buy-bust operation sa lugar, kung saan matapos na magpalitan ng items ay agad na dinamba ang mga suspect ng mga nakaantabay na awtoridad.

Nakuha sa mga suspect ang dalawang piraso ng plastic sachet ng shabu, na gagamitin ngayon ng PDEA para sa pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

Nakapiit ngayon ang mga suspect sa PDEA jail facility sa Quezon City. Ricky T. Tulipat at Danilo Garcia

ANNE V

ATIS STREET

BARCENA

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DIRECTOR WILKINS M

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

QUEZON CITY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with