^

Metro

P10-M puslit na bigas nasabat

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walong 20-footer container van na nagla­laman ng tina­tayang P10-milyong halaga ng smuggled na bigas ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) mula sa China.

Iprinisinta kahapon sa media ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na lumalabas umanong consignees na Seph Gabrielle En­ter­prises at Afidee Trading­ na pawang idinekla­rang aluminum frames at kitchen wares ang mga kargamento.

Nadiskubre sa nasabing mga van ang 4,000 sako ng bigas na kamakailan lamang umano dumating sa Port of Manila.

Una rito, may nauna nang nasabat na imported na sibuyas na sinasabing smuggle na nagkakahalaga ng P2.8-milyon mula rin sa bansang China.

Samantala, sinabi ni Deputy Commissioner Horacio Suansing, na inilagay nila sa alerto ang nasabing shipment makaraang matanggap ng kanilang mga tauhan ang kahina-hinalang address ng dalawang consignees.

Nilinaw ng Bureau na hindi pa pinapayagan ang impor­tasyon ng bigas sa bansa upang bigyan ng pagkakataon ang mga lokal na magsasaka na kumita, maliban na lamang kung may kautusang magmumula sa National Food Autho­rity o kaya ay may kompanya o negos­yanteng awtorisado sa pag-importa ng bigas.

AFIDEE TRADING

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DEPUTY COMMISSIONER HORACIO SUANSING

IPRINISINTA

NADISKUBRE

NATIONAL FOOD AUTHO

PORT OF MANILA

SEPH GABRIELLE EN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with