^

Metro

Libreng sakay sa LRT ngayong Araw ng Kalayaan

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Magbibigay ang Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 1 at Line 2 ng libreng sakay sa publiko sa mga pi­ling oras ngayong Araw ng Kalayaan.

“In celebration of the 114th year anniversary of the Philippine Indepen­dence that carries the theme ‘Kalayaan: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan’, the Light Rail Transit Authority (LRTA) is offering the public free rides today, June 12, 2012 at LRT Lines 1 and 2,” ayon sa pahayag ng LRTA.

Sinabi ni Engr. Emerson Benitez, LRTA Officer-in-Charge, na libre ang sakay ng Line 1 at Line 2 mula sa pa­gitan ng alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ito ay makaraang hilingin ng National Historical Commission na bigyan ng libreng sakay ang publiko upang ma­engganyo na magtungo at lumahok sa iba’t ibang se­lebrasyon at programa na inihanda ng pamahalaan sa Metro Manila.

Noong nakaraang taon, nagbigay rin ng libreng sa­kay ang LRTA kung saan nasa 121,000 pasahero ang kanilang nabigyan na karamihan ay nagtungo sa Rizal Park malapit sa UN station.

Samantala, magpapatupad naman ng traffic re-rou­ting ang National Capital Region Police Office (NCRPO) katuwang ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa Roxas Boule­vard upang bigyang daan ang selebrasyon sa Rizal Park.

Isasara mula alas-6 ng umaga ang kahabaan ng north at southbound ng Ro­xas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw at southbound lane ng Ma. Orosa mula P. Burgos hanggang TM Kalaw.  

EMERSON BENITEZ

KALAW

KALAYAAN

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

RIZAL PARK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with