^

Metro

Mister inutas dahil sa GRO

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Saksak at tama ng baril ang ikinamatay ng isang 27-anyos na lalaki matapos na pagtulungan patayin ng tatlong magkakaibigan sa isang vi­deoke bar dahil lamang umano sa isang guest rela­tion officer, sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Mary Johnston Hos­­pital­ ang biktimang si Sommy Caesar Baldueza, ng no. 405-B Rawis Condominium II, Rawis Tondo, Maynila habang pinaghahanap naman ang mga suspect na isang alyas “Renz Gutierrez” at isang di nakilalang lalaki.

Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan, ang insidente ay naganap dakong alas- 3  ng madaling-araw sa loob ng Alba Videoke Bar, sa panulukan ng  Ilaya at Padre Rada Sts., Tondo.

Pumasok umano ang mga suspect at isinama sa kanilang mesa ang GRO na si Pauline Dejito, 19, at nabastos umano ni Gutierrez.

Mabilis na nagsumbong ang nasabing GRO kay Baldueza at habang magkausap ang dalawa ay hinatak ito ng isa sa suspect kaya nagalit ang biktima sabay kuha sa bakal na silya at ipinalo sa isa sa suspect na nauwi sa rambulan sa pagitan ng tatlo.

Kasunod nito ang ali­ngawngaw ng putok ng baril na hindi inakala ng biktima na armado ng baril ang mga suspect at patalim.

Nang  suriin ang bangkay, nakita ang mga saksak  sa katawan at balang puma­ sok sa kaliwang tagiliran na tagos sa kanang tagiliran.

Bago umano tumakas ang mga suspect sakay ng motorsiklo ay narinig pa ang mga kataga patungkol sa biktima na  “sabi ko na sa iyo babalikan kita e”.

Nagsagawa umano ng follow-up operation sa Tuazon st., Tondo ang mga awtoridad subalit bigo silang madakip si Gutierrez at ka­sama nito.

ALBA VIDEOKE BAR

B RAWIS CONDOMINIUM

MARY JOHNSTON HO

MAYNILA

MILBERT BALINGGAN

PADRE RADA STS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with