^

Metro

Vendor tigok sa holdap

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang 21-anyos na ambulant vendor nang magtamo ng dalawang  tama ng bala sa katawan nang pumalag sa holdap at barilin ng dalawang holdaper, sa Baseco MANILA, Philippines - Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Tumagos sa tiyan ang dalawang bala na tinamo sa likod ng biktimang si Ryan Evangelista, residente  ng  no. 319 Geronimo St., Sampa­loc, Maynila.

Sa ulat  ni SPO2 Glenzor Antonio Vallejo, ang insi­dente ay naganap dakong alas-10:25 ng gabi, sa Block 3 Habitat Public Market, sa Baseco.

Nabatid na pauwi na umano ang biktima matapos ang maghapong pagtitinda at sinundan umano ng mga suspect na armado ng baril.

Dito na nagdeklara ng hol­dap ang mga suspect at sa halip namang ibigay ang mga kinita, ay tinangka ng biktima na tumakas dahilan upang ito ay pagbabarilin.

Nang bumulagta ang biktima ay tumakas naman ang mga suspect.

Dinala ang bangkay sa St. Yvan Funeral Parlor para sa awtopsiya habang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakilanlan ng dalawang suspect.

vuukle comment

BASECO

DITO

GERONIMO ST.

GLENZOR AN

HABITAT PUBLIC MARKET

MAYNILA

PORT AREA

RYAN EVANGELISTA

ST. YVAN FUNERAL PARLOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with