^

Metro

20 sako ng pirated DVDs nasabat ng MCAT, CHAPA

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Mayor’s Complaint Action Team (MCAT) at City Hall Public Assis­tance na hindi na maibabalik ang bentahan ng mga pira­ted DVD at CD sa Maynila partikular sa Quiapo.

Ang paniniyak ay gi­na­wa nina MCAT chief Ret. Col. Franklin Gacutan at CHAPA chief, Sr. Insp. Rolando Lo­renzo bunsod na rin ng ka­nilang isinagawang operas­yon laban sa mga piniratang DVD at CD sa Hidalgo at Barbosa sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Gacutan, marami na silang natatanggap na reklamo hinggil sa pa­tuloy na operasyon ng mga vendor ng DVD bagama’t inutos na ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbabawal sa bentahan nito.

Suportado ni Lim ang kampanya ng Optical Media Board na linisin ang Maynila mula sa bentahan ng piniratang DVD at CD.

Nabatid kay Gacutan na front ng mga vendor ang pagbebenta ng mga damit na una nang ipinangako ng mga vendor na kanilang ipapalit na ibebenta sa mga DVD.

Ayon naman kay Lo­renzo, ibang sistema ang ginawa ng mga vendor kung saan isang catalogue ang ipinakikita sa mga mamimili kung saan doon pipili ang customer at kukunin sa kanilang bodega upang hindi pansinin.

Giit ng dalawang opis­yal, hindi naman nila titigilan ang operasyon at monito­ring dahil mahigpit ang kam­panya dito ng city government.

AYON

CITY HALL PUBLIC ASSIS

COMPLAINT ACTION TEAM

FRANKLIN GACUTAN

GACUTAN

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with