Kelot tumalon mula 9th floor, lasog
MANILA, Philippines – Isang hindi pa kilalang mestisuhing lalaki ang basag ang bungo at lasog ang katawan nang tumalon umano mula sa ika-9 na palapag ng isang commercial/residential building sa Binondo, Maynila, kahapon ng hapon.
Inilarawan ang nasawi sa edad na 60-65-anyos, blonde ang buhok, matangos ang ilong, maputi, nakasuot ng slacks na navy blue at polo na kulay puti at sandals na may tatak na Adidas.
Sa inisyal na ulat mula sa Manila Police District-Station 11, inabutan nilang nakalugmok na ang katawan ng biktima dakong alas-12:40 ng hapon kahapon, sa harapan ng Pacific Centre Building sa Quintin Paredes St., Binondo.
Walang nakitang wallet at identification card sa biktima. Ayon pa sa ulat, bumagsak ang katawan nito sa deck ng mezzanine na nasa pagitan ng ground at 2nd floor ng gusali at pumalo ang ulo nito sa heavy-duty generator, na nagmula sa ika-9 na palapag, bahagi ng fire exit.
- Latest
- Trending