Dating sekyu niratrat sa harap ng anak

MANILA, Philippines – Hinihinalang ang selos na namamagitan sa kapitbahay ang dahilan upang pasukin ng tatlong armadong kalalakihan ang bahay ng isang dating security guard at pagbabarilin ito hanggang sa mapatay sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Arnold Caballero Sr., 48, residente ng Area H Gate 64 Parola, Compound, Binondo.

Sa ulat ni SPO1 Ramir Dimagiba, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi ng Biyernes ma­tapos makipag-inuman sa dalawang kaibigan ng biktima nang pumasok at akyatin sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ng mga armadong suspect saka pinagbabaril sa harap ng 16-anyos na anak.

Nabatid na nauna rito, nagkaroon umano ng pakikipagtalo ang biktima sa isa nitong kapitbahay na komompronta sa kanya sa dudang may relasyon ang una sa misis ng huli.

Isinugod pa ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center pero binawian rin ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insi­dente.

Show comments