^

Metro

Shabu queen timbog sa buy-bust

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Natimbog ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-National Capital Region, ang hinihinalang ‘shabu queen’ sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni PDEA- NCR Director Wilkins Villanueva, ang suspek na si Carmila de Ocampo, 32, at naka­tira sa Blk. 9 Lot 16 Magdaon St.,Promise Land Muntinlupa City.

Sinasabing dakong alas-7:30 ng gabi kamakalawa nang isagawa ang buy-bust operation ng mga awtoridad sa tapat ng Roosevelt College, 10th Avenue., Cubao, Quezon City.

Noong panahong iyon, isang poseur buyer ng PDEA ang nakipag-deal kay De Ocampo sa naturang lugar at saka ito ina­resto sa aktong nagbabayaran na.

Nakumpiska sa suspect ang may limang­pung (50) gramo ng shabu na nagkakaha­laga ng mahigit P.2 million, isang cellphone, boodle money na ginamit sa operasyon at visitors ID ng National Bureau of Prison.

May hinala ang PDEA na ang nakuhang shabu sa ginang ay galing umano sa loob ng National Bilibid Prison kung saan nakakulong dito ang kanyang asawa na may kasong murder.

DIRECTOR WILKINS VILLANUEVA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

MAGDAON ST.

NATIONAL BILIBID PRISON

NATIONAL BUREAU OF PRISON

NATIONAL CAPITAL REGION

OCAMPO

PROMISE LAND MUNTINLUPA CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with