^

Metro

Biggest losser contest inilunsad ng PNP

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Upang higit na mapalakas ang Health Awareness Campaign at Pulis Pangkalusugan Program, inilunsad kahapon ng PNP National Police Health Service (PNP-HS) ang walong linggong ‘Biggest Weight Loss Challenge’ para sa lahat ng mga pulis na nakabase sa Camp Crame.

Ito’y matapos makakuha ng inspirasyon ang PNP sa dating pulis na si Larry Sienno Martin, ang instant millionaire matapos na itanghal na biggest losser grand winner sa ABS-CBN Channel 2 noong Oktubre 2011.

Si Martin ay natanggal sa pagka-pulis ma­tapos naman itong mabigong matamo ang 34 inch waistline bilang isa sa mga rekisitos ng PNP.  

Nabatid na mula sa dating 255 pounds nang lumahok sa patimpalak ay naabot ni Martin ang 154 pounds o kabawasang 101 sa kanyang dating timbang kaya nagwagi sa biggest losser contest.

Ayon kay PNP HS Director, Senior Supe­rin­tendent Ma. Angela Vidal na noong Mayo 30 ay nagsagawa na sila ng screening at assess­ment na tatagal hanggang Hulyo 18, 2012 para sa pinal na ebalwasyon sa mga mata­tabang pulis na papalaring lumahok sa naturang programa.

Samantalang ang mga magwawagi ay magkakamit ng gantimpala na sa kasa­luku­yan ay isinasailalim pa sa ebalwasyon ng PNP.

vuukle comment

CAMP CRAME

HEALTH AWARENESS CAMPAIGN

LARRY SIENNO MARTIN

NATIONAL POLICE HEALTH SERVICE

PULIS PANGKALUSUGAN PROGRAM

SENIOR SUPE

SHY

SI MARTIN

WEIGHT LOSS CHALLENGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with