Trapik asahan sa Ayala-EDSA tunnel
Manila, Philippines - Asahan ngayong araw ang matinding pagbubuhol ng trapiko sa EDSA-Ayala Tunnel dahil sa isasagawang pagkukumpuni at restorasyon ng Manila Water Company, Inc. (MWCI) umpisa kagabi.
Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na umiwas at dumaan sa mga alternatibong ruta ang mga motorista na daraan sa naturang kalsada.
Nabatid na dalawang northbound lanes ang isasara sa daloy ng trapiko habang isang lane na lamang ang matitira para daanan ng mga motorista kaya inaasahan ang buhul-buhol ng daloy.
Muli namang bubuksan ang lahat ng lanes ng EDSA-Ayala tunnel sa trapiko dakong alas-6 ng Lunes ng umaga.
- Latest
- Trending