^

Metro

Oil companies nagtapyas uli sa presyo ng petrolyo

- Danilo Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nagtapyas muli sa presy­o ng kanilang pro­duktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa sa patuloy pa rin umanong pagbagsak ng presyo ng krudo sa internasyunal na pamilihan.

Epektibo ngayong alas-12:01 ng madaling-araw, tatapyasan ng Pilipinas Shell, Unioil at Flying V ng P1.50 ang presyo ng kada litro ng diesel, unleaded at premium gasoline, habang P2 naman kada litro sa re­gular gasoline at kerosene.

Ganito rin ang halaga ng ipatutupad na rollback ng FilOil na magsisimula naman alas-9:00 ng umaga ngayon.

Nag-ugat ang rollback makaraang unang ihayag ng Department of Energy (DOE) ang pagbagsak sa presyo ng krudo sa internasyunal na pamilihan.

Sinabi ni DoE Undersecretary Jay Layug na bumaba ng hanggang $6 na dolyar kada bariles ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan na katumbas ng P2 kada litro ng gasolina at P1.50 naman sa diesel.

DEPARTMENT OF ENERGY

EPEKTIBO

FLYING V

GANITO

KADA

NAGTAPYAS

PILIPINAS SHELL

SINABI

UNDERSECRETARY JAY LAYUG

UNIOIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with