^

Metro

'Tulak' tinodas ng kapwa 'tulak'

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Patay ang isang lalaki na hinihinalang ‘tulak’ ng droga matapos itong pagbabarilin ng pinaniniwalaang kakumpitensiya nito sa iligal na gawain sa Caloocan City kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Michael Car­tilla, 33, ng Brgy. 35, Maypajo ng nabanggit na siyudad sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at ka­tawan buhat sa caliber .9mm.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga kagawad ng Caloocan City Police laban sa suspek na nakilala lamang sa alyas na Gomer, na pinaniniwalaang isa ring ‘tulak­’ ng droga na ka­laban ni Cartilla sa bentahan.

Sa inisyal na report ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktimang si Cartilla sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nakatanggap ng text message ang ka-live-in ng biktima na si Connie Macalino mula sa suspek na nagbabanta dahil kinukumpitensiya umano siya ni Cartilla sa pagtutulak ng shabu.

Ayon kay Macalino, habang nasa loob sila ng kanilang bahay ay nakarinig sila ng sutsot, dahilan upang alamin ito ng biktima.

Kasunod na nito ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa makitang nakabulagta na ang biktima.

Nakuha ng mga pulis sa tabi ng bangkay ni Cartilla ang isang sachet ng shabu at cash na P400.

Matapos ang insi­dente ay mabilis namang tuma­kas ang suspek na si Gomer.

vuukle comment

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CARTILLA

CONNIE MACALINO

KASUNOD

MACALINO

MICHAEL CAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with