^

Metro

2 pulis na nanloob sa isang pamilya sa Maynila, lumutang

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nagharap na kahapon ang mga biktima at dalawang pulis ng Manila Police District (MPD) kasama ang isang barangay executive officer na nanloob sa isang pamilya sa Sta. Ana, Manila kung saan aabot sa halos P3 milyon halaga ng alahas ang tinangay.

Positibong itinuro sa harap ni Manila Mayor Alfredo Lim ng mag-asawang Carlo Mark, 36; at Shental Bagui, 34, ang mga suspect na na­kilalang sina PO3 Morris­ Malindog, PO2 Robert Cruz, kapwa nakatalaga sa Manila Police District Station 6 at barangay executive officer na si Regente Osalla na nanloob sa kanilang bahay.

Inatasan ni Lim si MPD Director, Chief Supt. Alex Gu­tierrez na sampahan ng mga kakulang kaso ang tatlo na kinabibilangan ng robbery/hold-up in an inhabited place at violation of RA 7610 o anti-child abuse law, bukod pa sa pag­sasagawa ng summary dismissal proceedings.

“Ang pulis, binigyan ng baril, tsapa at uniporme, tak­buhan ng mamamayan para sa proteksyon at siyang tagapangalaga ng katahimikan, tapos siya ang lalabag sa batas?” ani Lim.

Samantala, ibinunyag naman ni Carlo na si Osalla ang unang pumasok sa loob ng bahay na sinundan naman ni Morris at humabol sa mga bata na tumakbo paakyat ng kuwarto.

Matatadaang naganap ang insidente noong May 30, dakong alas-8:30 ng gabi sa bahay ng mga Bagui sa Paco Roman St. Sta. Ana, Maynila.

ALEX GU

CARLO MARK

CHIEF SUPT

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT STATION

PACO ROMAN ST. STA

REGENTE OSALLA

ROBERT CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with