^

Metro

Passenger jeep, target na rin ng carjackers

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Target na rin ng mga car­jackers ang mga pampa­saherong jeep matapos na maaresto ang dalawa sa miyembro ng sindikato habang tinatangay ang nasabing sa­sakyan mula Quezon City hanggang Pasig City kahapon ng umaga.

Sugatan ang jeepney driver­ na si Johnny Lagundi, 41, ng Bagong Ilog, Pasig nang bumaligtad ang sasak­yan habang tinatangkang manlaban sa mga suspect.

Nasa kustodiya naman ng Police Station 12 ang mga suspect na sina Arlan Alibio, 38; at Winston Verches, 38, kapwa residente sa Pasig City. Nakumpiska sa kanila ang isang .38 caliber revolver.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, tinatahak ni Lagundi ang C-5 road patungo sa Cubao sakay ng pinapasadang jeepney nang pagsapit sa Wilcon Home Depot, ay agad na nagdeklara ng holdap ang mga suspect. Lahat ng pasahero ng jeepney ay pinababa ng mga suspect saka inatasan nila si Lagundi na mag-u-turn patungo sa south-bound ng C-5.

Pero, habang nasa daan, nakipagbuno ang driver sa manibela laban sa mga suspect, hanggang sa mapuna ito ng nagpapatrulyang tropa ng PS12 habang pagewang-gewang sa kalye.

Hinabol ng mga awtoridad ang jeepney hanggang Pasig kung saan dito na ito bumaligtad sanhi para masugatan ang driver at maaresto ang mga suspect.

Nabatid na isa pang jeepney carjacking incident ang nangyari sa kahabaan ng C-5 sa lugar ng Quezon City nitong nakaraang Mayo.

Ayon naman kay Supt. Ferdinand Villanueva, hepe ng Quezon City Police District’s Anti-Carnapping Unit (QCPD-DACU), ang jeepneys ang nagiging target nga­yon ng grupo ng mga carjackers dahil naibebenta lamang umano nila ito ng buo sa halagang P30,000.

ANTI-CARNAPPING UNIT

ARLAN ALIBIO

BAGONG ILOG

FERDINAND VILLANUEVA

JOHNNY LAGUNDI

LAGUNDI

PASIG

PASIG CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with