^

Metro

Sekyu utas sa sariling baril

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines – Bumulagta ang isang 26-anyos na security guard matapos aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm na pinaglalaruan, nang itapat ito sa kanyang sentido, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Dead on the spot si Lumil Ocampo, ng Cabildo St., Intramuros, Maynila dahil sa isang tama ng bala ng .9mm caliber pistol sa kanang sentido.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homi­cide section naganap ang insidente dakong alas- 6:01 ng gabi sa entrance gate ng Pearl Lane Hotel na matatagpuan sa 1700 Ma. Orosa St. corner Malvar St., Malate, Maynila.

Nabatid kay Rene Luces, 25, security guard at kasamahan sa trabaho ng biktima na magpapalitan na umano sila ng duty sa lugar  nang magbiro ang biktima at itinutok sa kanila ang baril at pabirong nagbanta na babarilin sila ni Joemar Saquibal, 26, na isa ring security guard.

Pinagsabihan umano ng isa sa kanyang mga ka­samahan si Ocampo sa takot na pumutok na binale­­wala naman ng  biktima at itinutok sa kanyang sentido hanggang sa pumutok.

Kaagad namang ipinagbigay alam nina Luces at Saquibal ang insidente sa kanilang OIC na si Mark Anthony Lasala na siyang tumawag sa himpilan ng pulisya.

Gayunman, kaagad na naabsuwelto sa imbesti­gasyon ang dalawang guwardiya nang mapanood sa nakakabit na CCTV ang naganap na insidente.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St.Yvan Funeral para sa awtopsiya.

CABILDO ST.

JOEMAR SAQUIBAL

LUMIL OCAMPO

MALVAR ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

MARK ANTHONY LASALA

MAYNILA

OROSA ST.

PEARL LANE HOTEL

RENE LUCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with