Mahihirap na mag-aaral sa QC, nabigyan ng school supplies ni Joy B
MANILA, Philippines - Nabiyayaan ng ‘Balik-eskuwela Program’ ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang may mahigit 4,000 mahihirap na mag-aaral ng lungsod nang tumanggap ang mga ito ng mga libreng school supplies bago magbukas ang klase kahapon.
Ang mga libreng school supplies ay kinabibilangan ng mga notebook, papel, crayons, pencil, pencil case, ruler, eraser, sharpener at iba pa.
Naisagawa ang pamamahagi sa District 1 sa barangay hall sa San Antonio, JEM 7 Subdivision sa Barangay Talipapa sa District 2, Barangay Bagumbuhay sa District 3 at Mabuhay covered court sa Barangay Tatalon at Dagohoy covered court sa UP Campus sa District 4.
Bago ang pamamahagi ng libreng school supplies, nakapagsagawa rin ng health caravan ang tanggapan ni Belmonte sa iba’t ibang lugar para mapangalagaan ang kalusugan ng mga taga-rito.
- Latest
- Trending