^

Metro

Technician dinedo ng anak-anakan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Napatay ang isang technician matapos itong saksakin ng kanyang  anak-anakang lalaki sa inuman kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Rodney Cervantes ng Phase 2, Package 2, Block 45, Lot 8, Bagong Silang sa nasabing lungsod.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek na si Ryan Soliman, 25, ng naturang lugar.

Naganap ang krimen dakong alas-2 ng mada­ling-araw may ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Ayon sa salaysay ni Esteban Larangan, 48, unang namataan niya ang dalawa na nag-iinuman kung saan ilang minuto ang nakalipas ay umugong ang kaguluhan hanggang sa bumulagta ang biktima.

Agad  ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ng mga ka­anak ng biktima ang insidente at natagpuan ng mga pulis ang kulay puting polo shirt na puno ng dugo na sinasabing pag-aari ng suspek.

AYON

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

ESTEBAN LARANGAN

NAGANAP

NAGSASAGAWA

NAPATAY

NAPURUHAN

RODNEY CERVANTES

RYAN SOLIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with