^

Metro

De-kalidad na edukasyon tiniyak ng Maynila

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines -  Tiniyak ni   Manila City Administrator Jesus Mari Marzan na mabibigyan pa ng kalidad na edukas­yon ang mga mag-aaral ngayong pasukan matapos na maglabas ng kautusan si Manila Mayor Alfredo Lim na tutukan ang sistema ng edukasyon sa mga guro.

Ayon kay Marzan, isa lamang ang edukasyon sa mga priyoridad ni Lim para sa mga Manilenyo.

Kabilang na din dito ang kalusugan at peace and order.

Sinabi ni Marzan na maging ang mga mag-aaral ay matututukan na rin ng mga guro dahil mababawasan na rin ang pagsisikip ng bawat silid aralan.

Nabatid na ilang pa­aralan ang kamakailan ay binuksan ni Lim bilang pag­hahanda sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

Samantala, pinayuhan   din ni Marzan ang mga magulang na maging mahinahon sa pagbubukas ng klase sa posibilidad na magkaroon ng kalituhan sa unang araw.

Paliwanag ni Marzan, hindi naman nawawala ang kalituhan sa unang araw ng klase subalit kailangan lamang ang tamang pakikipag-usap sa sinumang opisyal ng paaralan alinsunod na rin sa kanilang sistema.  

AYON

KABILANG

MANILA CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILENYO

MARZAN

NABATID

PALIWANAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with