^

Metro

Lalaking nang-agaw ng baril ng sekyu, bulagta

- Angie dela Cruz, -

Manila, Philippines -  Patay ang isang lalaki nang aksidenteng pumutok ang baril na inaagaw sa isang guwardya na umaaresto sa kanya kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala ng .38 baril sa mukha ang biktima na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring inaalam ang pangalan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang guwardiya na si   Ryan Bacong, 27, ng Lot 378 San Isidro, Montalban Rizal.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng umaga sa may Echo Mills Commercial na matatagpuan sa pagitan ng 7th at 8th Avenues ng nasabing lungsod.

Nabatid na nakita ng suspek ang nasawi na walang pahintulot na pumasok sa kanyang binabantayang gusali sa nasabing lugar.

Dahil dito, inaresto ng suspek ang biktima upang imbestigahan, subalit tinangka umanong agawin ng huli ang service firearm ng sekyu na naging dahilan upang magpambuno ang mga ito at hanggang sa aksidenteng pumutok ang naturang baril at masapol sa mukha ang biktima, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Mabilis namang tumakas ang suspek at iniwan ang service firearm nito.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

DAHIL

ECHO MILLS COMMERCIAL

MABILIS

MONTALBAN RIZAL

NABATID

RYAN BACONG

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with