^

Metro

2 kelot natagpuang patay sa QC

- Ricky ­Tulipat -

Manila, Philippines -  Isang binata na nakuhanan ng droga sa bulsa ang pinagbabaril at napatay ng hindi nakikilalang salarin sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng District Investigation Division (DID) ng Quezon­ City Police, nakilala ang mga biktima na sina Sannie Fontiveros, 40, ng Block 2, Lot 4, Grande Nitang 2, Brgy. Bignay, Valenzuela.

Ayon sa ulat, ang biktimang si Fontiveros ay natagpuang walang buhay at may mga tama ng bala sa katawan sa kahabaan ng Florentino St., Gulod, Novaliches, ganap na alas-11 ng gabi.

Nakita ang biktima ng isang Floralyn Dizon sa na­turang lugar habang duguang nakahandusay ilang minuto makaraang makarinig umano ito ng mga putok ng baril mula sa kanyang bahay.

Narekober ng awtoridad sa lugar ang limang basyo ng 9mm, isang slug at kitchen knife na iniwan sa tabi ng biktima.

Samantala, pasado ala-1 ng madaling-araw naman nang matagpuang walang buhay ang biktimang si Jonel Mamarinta sa may kahabaan ng Maximo Viola St., corner Sto. Domingo St., Brgy. Ba­lingasa sa lungsod.

Si Mamarinta na tadtad ng tattoo sa katawan ay ki­nilala ng kanyang nanay na si Aling­ Virginia. Nakabalot ng masking­ tape ang ulo ng biktima at may nakatarak pang ice pick sa tagiliran at dibdib nito nang matagpuan ng isang Flo­rencio Cabalquinto, barangay official sa lugar.

Gayunman, pinalalagay na itinapon lamang sa na­turang lugar ang bangkay upang iligaw ang mga imbestigador nito.

Patuloy ang imbestigas­yon ng DID sa magkahiwalay na insidente.

BRGY

CITY POLICE

DISTRICT INVESTIGATION DIVISION

DOMINGO ST.

FLORALYN DIZON

FLORENTINO ST.

GRANDE NITANG

JONEL MAMARINTA

MAXIMO VIOLA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with