Contractor pumalag sa holdap, utas

Manila, Philippines -  Nasawi ang isang construction contractor makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilang salarin na nagtangkang agawin ang payroll money na hawak nito, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Mamerto Lakay, 50, ng Sto. Domingo, Nueva Ecija, at contractor ng itinatayong Entra Tech Building sa may Rodriguez St. sa Legaspi Village, ng naturang lungsod.

Nabatid na dala ng biktima ang hindi pa mabatid na halaga ng pera na pampasuweldo sa mga tauhang construction worker nang harangin ng nag-iisang lalaki sa may kanto ng Adelantado at Gamboa St. dakong alas-4:45 ng hapon.

Agad na tinutukan ng salarin ang biktima ng hind pa mabatid na kalibre ng baril ngunit nagtangka itong manlaban kaya binaril ng suspect ng isang beses sa dibdib.

Agad namang naalarma ang mga tao sa naturang lugar kaya nagmamadaling tumakas ang salarin na bigong makuha ang pera na dala ng biktima.

Show comments